Chapter 21 He was driving so fast kaya mabilis kaming nakarating sa bahay. Bumaba kaagad ako para salubungin sila Tita at Gina na nasa labas na. "Tita! Gina!" Ani ko at niyakap silang dalawa. I missed them. Nakangiti akong humiwalay sa yakap at pinagmasdan sila. Nasa likod ko naman si Dash at bumati din. "Namiss kita, Ate Flaire!" Nakangiting sabi ni Gina. "I miss you too." Sabi ko. "Kamusta naman po kayo dito? Wala naman po bang nangyareng masama?" Tanong ko. "Maayos naman kami at sana ganoon ka din, Flaire. Nabalitaan ko ang nangyare. Hindi ka ba nasaktan?" Nag-aalalang tanong ni tita bago kami papasukin sa loob ng bahay. "Hindi po. Iningatan naman po ako ni Dash." Nahihiyang tugon ko sabay yuko. "Asus Ate! Hindi mo na kailangang mahiya hano! Bagay naman kayo ni kuya Dash