Chapter 47. Nagsidatingan ang mga dating tauhan ng Hari ng mga Mafia Boss. Lahat sila ay nakahanda. Determinado at may katapangan sa sarili. Bagama't kinakabahan, pinilit pa din ni Cashedy na maging matatag para sa kaniyang anak at kay Claire. She needs to be strong. She needs to fight. Sabay sabay silang pumasok sa masukal na lugar. Matatayog na mga matataas na pader ang nakapaligid sa madilim na lugar. Halatang tago at malayo ito sa siyudad. Samantala, naiinip na nakaupo si Veronica sa gintong upuan habang pinagmamasdan sa malaking screen ang ginagawa nila Dashnell na ngayon ay kinakalaban na ang kaniyang mga bagong tauhan. "Parang awa niya na po, pakawalan niyo na kami!" Pagmamakaawa ng batang si Dexter. "You're bad! I hate you! Spare us!" Sambit naman ng batang si Claire. K