FAYE 6pm na bat ba wala yung Mickey na yun! Kinakabahan ako. Sana lang hindi pumalpak to. Nabuhayan ako ng loob ng makita kong papalapit na sya sakin. Napatingin ako sa itsura nito ngayon. Wow, as in wow! “Whoa sister, ang gwapo gwapo mo ngayon!” bati ko dito. “Feeling ko talaga sister, tomboy ako ngayon, tingnan mo nga tong ayos ko o” “Ang gwapo gwapo mo kaya. Pero sis favor naman, bawasan mo naman yung kalandian mo mamaya , baka mahuli tayo eh. Mapupurnada pa plano ko” pakiusap ko dito. “Akong bahala sayo sister, may speech na kaya akong inihanda. O lika na at ng maayusan na kita” Pagkatapos nya kong ayusan ay lumabas muna ako sa may garden. Nakita ko agad yung taong hinahanap ko. Nagpaalam muna ako kay Mickey. “Sister dito ka muna ha, susunduin kita later pag papakilala na kita