FAYE Sportsfest. Naglalakad kaming magkakasama nila Nikki, Jenny, Meimei and Allison ng biglang may bumangga kay Nikki. "What the hell?!" galit na tanong ni Nikki. "Oh sorry ha, hindi ko kasi napansin na may kasalubong pala ko" mataray na sagot naman nito. "Ano bang prob------" non lang kasi nakita ni Nikki yung itsura ng bumangga sa kanya. "Missed me b***h?" nang-aasar na tanong pa nito. "Anong ginagawa mo dito?" mas galit yung boses ni Nikki. "Kukunin ko lang kung anong dapat ay sa akin!" pagbabanta nito sabay tulak kay Nikki. Agad namang nilapitan ni Jenny and Mei si Nikki. "Ok ka lang? " nag-aalalang tanong nga mga ito. "Yeah" matipid na sagot nito at naglakad na ulit. "Ex ni Chase yun" bulong sakin ni Allison. Takang napatingin ako sa kanya. "Well kilala mo naman si Nikk