NIKKI "You know the rules guys, kung kanino matapat tong bote pagtigil ng tugtog, sya yung magpapaikot ng roleta and gagawin nya kung ano man yung dare don" paliwanag ni Mei-mei. Yeah right, every year na namin nilalaro yan, di pa ba sila nagsasawa? Palihim kong sinulyapan si Faye. Tapos etong babaeng to ang daming alam sa buhay, ako pa yung gustong kalabanin pero eto dalwang shots pa lang ng tequila bangag na, WEAK! Sumasayaw sayaw pa kami habang nagpapasahan ng bote. Si Mei-mei yung may hawak nung ipod para sa pagpapatigil ng tugtog. Naunang tumigil kay Jenny. Ang lame ng dare, wala na ba talaga silang maisip? Paulit-ulit na lang to! Tsss. "Ok Nikki's turnnnnnnnnnnn!!!!!!!!!!" what?! Leche! Sa lalim ng iniisip ko, di ko pala naipasa tong bote sa katabi ko! Nakakairita lang talaga!