FAYE Talaga naman! Hindi ko alam kung malas o swerte pero si Nikki yung kasama ko sa kwarto. Temptation! Temptation! Sabi nila nasa loob na daw ng kwarto si Nikki. Magpahinga din daw muna kami, tatawagin na lang daw pag dinner na. Dahan-dahan ko binuksan yung kwarto, nakita kong nakahiga na si Nikki sa kama. Mukhang pagod na pagod lang. Dahan dahan din akong tumabi sa kanya. Bahagya syang gumalaw kaya akala ko nagising sya. Humarap ako sa kanya. Hinaplos ko yung buhok nya para mas makatulog sya. Kinumutan ko na rin sya dahil medyo malamig dito sa kwarto. Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog. Nakakapanghinayang kasi kailangan kong syang i-let go kahit hindi naman sya naging sakin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. "In time Nikki, in time" bulong ko dito. Tatayo sa