"H-Huwag mo akong biruin ng ganyan, Zeke. Pamangkin mo ako at alam mong hindi tayo pwedeng ikasal," naiiyak na sabi ni Nayeli sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Nasa mukha niya ang matinding takot at hindi ko alam kung paano ko aalisin ito sa kanya. Nahuhulaan ko na kung ano ang dahilan ng kanyang takot. Takot siya na malaman ng Kuya Zandro ko ang tungkol sa lihim naming relasyon. At alam kong mas dumoble ang takot na nadarama niya dahil sa sinabi kong kasal na kami. "Do you think I'm just joking around here? Hindi ako gumagawa ng kwento lang rito, Nayeli. We're married, actually, we are one month married for your information," klaro ko. Napasubo na lang din ako, bakit hindi ko na aminin sa kanya ang lahat? Bakit hindi ko na lubus-lubusin na aminin sa kanya ang lahat tutal, sasamb