"P-Pa…daanan niyo nga po si Zeke sa opisina niya, manganganak na po yata ako sa kambal namin," naiiyak na sabi ko kay Papa sa kabilang linya habang ngumingiwi ako sa paghilab ng aking tiyan. Kanina lang nag-umpisa ang pananakit ng tiyan ko at kanina ko pa tinatawagan ang lintek na asawa ko. Ang sakit ng tiyan ko na halos parang gusto ng butasan ng kambal ang tiyan ko dahil sa mga galaw nila na hindi ko maintindihan. Panay na nga ang hiyaw ko at natataranta na si Manang dahil hindi matawagan ang numero ng asawa ko. Nasa meeting siya alam ko at hindi iyon nagdadala ng cellphone para hindi maistorbo. Kung alam ko lang na ngayon na ako manganganak di sana'y sinabihan ko siya na huwag ng umalis ng bahay at samahan na lang ako rito sa bahay. Hindi ko naman alam na ngayon sasakit ang tiyan ko

