On the way na kami ni Nayeli patungong Tagaytay. Kahit napuyat kami kagabi dahil sa aming pulot gata, tuloy pa rin naman ang biyahe namin patungo roon dahil sa honeymoon package na regalo nina Daddy at Mommy. One week iyon at syempre susulitin namin ang treat nila. Marami namang magagandang pasyalan doon kapag nais naming mamasyal. May beach resorts na pwedeng pag-check-in-an, island hopping sa mga isla, jetski sa dagat, mountain climbing, at syempre ang kumain din sa iba't ibang sikat na restaurants doon na alam kong papatok sa panlasa naming dalawa ni Nayeli. Lalo na iyong mga fresh grilled seafoods, fresh fruits and veggies at siyempre ang mga delicacies nila roon na minsan ay dinadayo ng mga turista. Tulad ng bagkat-mani, pastillas at kung ano-ano pa na matamis sa panlasa. "Honey…saa

