Wala ako sa mood nang magising ako kinaumagahan. Paano, hindi ko na nadatnan si Nayeli na nakahiga sa aking tabi. Hindi man lang ako naalala ng gisingin. May trabaho ako ngayon at mali-late pa yata ako sa meeting namin ni Blue, Devin, at Erwin dahil hindi niya ako ginising. Saan ba 'yon nagpunta at ang aga bumangon? Inaatake na naman ba siya ng morning sickness niya at nasa loob ng banyo? Nakiramdam ako saglit kung nasa banyo nga siya. Wala naman akong naririnig na tao sa loob kaya malamang wala siya roon. Nagdadabog na bumangon ako at bumubulong-bulong ng kung ano-ano. Badtrip na nga ako kagabi dahil hindi niya ako pinagbigyan, tapos heto pa dadatnan ko ngayong umaga? Ngayon lang niya ito ginawa sa akin kaya naiinis ako. Nasanay na ako sa paggising ko na magmumulat ako ng mga mata at

