"Habulin natin si Nayeli! Kapag hindi natin siya nahabol ay mananagot kayong dalawa sa akin!" banta ko sa dalawa kong bodyguard na nakaupo sa front seat. Kita ko ang pagtulo ng malalaking butil ng pawis sa kanilang noo dahil sa banta ko. Kung bakit naman kasi tatanga-tanga ang isa. Akala ko pa naman nakabantay siya kay Nayeli para hindi siya makatakas. But I guess, hindi lang siguro niya napansin na balak tumakas ni Nayeli nang ipasok ko siya sa aking kotse. "Bilisan mo pa! Kapag nawala sa paningin natin ang taxi na sinakyan niya ay mananagot kayong dalawa talaga sa akin! Tandaan niyo YOT696 ang plate number ng taxi. Kapag 'yan nawala sa paningin ninyo, alam niyo na ang mangyayari!" "Yes, Boss!" Hindi ako mapakali habang sinusundan namin ang sinasakyan ni Nayeli. Sa sobrang taranta ko