Chapter 76

1615 Words

Magkasama kami ni Zeke na titingin ng design ng bouquet ko ngayon sa isang flower shop na suggested ni Lola. Sabi ko masyado pang maaga para pumili ng bouquet at flower arrangements para sa simbahan at sa reception ng aming kasal. Subalit mapilit si Lola na puntahan na namin ang kaibigan niya na florist kaya wala kaming nagawa ni Zeke kundi bumiyahe para makita mismo ang ayos ng mga bulaklak. Sobra pa naman akong tinatamad ngayon dahil bukod sa paglilihi ko na napakaselan, napakainit din lumabas dahil para kang tinutusta kapag lumabas ka ng bahay. "Malayo pa ba, Zeke?" tanong ko sa asawa ko na wala ng ginawa kundi ang magtipa sa kanyang cellphone. Kandahaba na nga ang leeg ko sa pagsilip pero hindi ko naman makita kung sino ang ka-chat niya dahil parang tinatago niya kung sino ito. "Me

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD