Pinakalma ko ang sarili ko pagkatapos kong mabasag ang malaking vase na nasa gilid ng telebisyon. Mabuti at hindi ang telebisyon ang binasag ko, sayang naman ito. It worth one hundred thousand tapos babasagin ko lang? I can't accept what she said. Ako p-a-ngit? Putangina! Noon tinawag niya akong G ngayon naman P? Ano ba ang nangyayari kay Nayeli at mukhang tinamaan na naman siya ng masamang mood ngayon. Pati tuloy ako na magandang mood ang gising ay nadamay sa sama ng mood niya. Ikaw ba naman tawaging P? Hindi ka ba magagalit? Pumasok ako ng banyo pagkatapos kong tawagan ang katulong na linisin ang mga kinalat ko. Hindi dapat makita ni Nayeli na may binasag ako rito sa kwarto pero alam kong narinig niya kanina ang pagwawala ko kaya alam niyang may binasag ako. I looked at my face in th