Inirapan ako ni Nayeli pagkatapos ng panghaharana ko sa kanya. Kanina naman ayos pa ang reaksyon ng mukha niya dahil tila masaya siya at kinikilig. Pero pagkatapos ng huling awit ko at sabihan ko siya ng 'I love you, honey. Sumimangot siya at inirapan niya ako ng bongga. Umalis pa siya ng teresa at pumasok na sa kwarto namin. "Ano kayang problema no'n? Bakit bigla na naman siyang na-badtrip?" Natataranta na humakbang ako papasok ng bahay at kaagad na tinakbo ang hagdanan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay namin. Nagtatampo pa rin ba siya sa akin dahil sa biro ko kaninang umaga sa kanya? I know she felt bad about me. Gusto ko lang naman siya inisin dahil nakaka-miss ang nakasimangot niyang mukha at pang-iirap niya sa akin na tila animo'y gusto akong hiwain. Mukhang hanggang ngayon ay

