bc

Maid to be Your Wife

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
HE
escape while being pregnant
opposites attract
badboy
mafia
gangster
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
serious
kicking
like
intro-logo
Blurb

Maid to be Your Wife (Mafia Series #1)Tumakas si Mia nang pagtangkaan siyang halayin ng kaniyang stepfather sa mismong araw ng libing ng kaniyang ina. Wala na siyang ibang pupuntahan, sakto namang nakita siya ng isang ginang na minsan niyang natulungan noon sa simbahan. Kinupkop siya nito bilang ganti sa naitulong niya noon at ipinasok bilang kasambahay sa isang malaking mansion na isang lalaki lamang ang nakatira. Si Marco Dela Vega, isang nakakatakot na lalaking hinding-hindi niya gugustuhing lapitan. Ngunit may isang gabi na kinailangan siya nito at hindi natanggihan sa kama.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : “Please, Let Me Go.”
MALAKAS ang ulan mula sa labas ng silid ni Mia. Nakatayo siya sa harap ng bintana at nakatingin sa madilim na kalangitan. Kulog. Kidlat. Isa-isa iyong gumuguhit sa langit, parang mga sugat na sandaling nagbibigay-liwanag bago muling lamunin ng dilim. Pero kahit ganoon kalakas ang ingay sa labas, hindi pa rin natinag si Mia sa kinatatayuan niya. Puno ng luha ang magkabilang pisngi niya. Tahimik, tuloy-tuloy, walang tigil. Animo’y nakikisabay ang kalangitan sa pagdadalamhati niya. Ngayong araw ang libing ng kaniyang inang yumaon dahil sa sakit na cancer. Humigpit ang hawak niya sa kurtina. Ramdam niya ang bigat ng buong bahay. Biglang may mahinang katok sa pinto. “Mia.” Napahinto siya. Isang boses na hindi niya gustong marinig ngayon. “Mia, open the door,” ulit nito at bahagyang lumakas ang pagkatok. Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatingin sa ulan, pero mas lalong humigpit ang pagkakakapit niya sa kurtina. “Don’t ignore me,” dagdag ng boses mula sa labas. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Isang hakbang. Tapos isa pa. Narinig niya ang paggalaw ng door handle. “Anong kailangan mo, Uncle Steve?” tanong niya na naglakas loob lamang. Kahit na kailan ay hindi maganda ang kutob niya sa pangalawang asawa ng kaniyang ina. Palagi itong nakatitig sa kaniya nang may pagnanasa. Pakiramdam niya ay hinuhubaran siya nito sa tuwing tinitignan. “Kailangan mo nang bumaba, naghihintay na ang mga tao sa baba.” Hindi niya gustong buksan ang pintuan. “B-bababa na po ako. Hindi mo na ako kailangang tawagin.” Bahagyang kumalma ang nasa likod ng pintuan. “You know what, Mia, wala na ang mommy mo pero ang tigas pa rin ng ulo mo. Anong plano mo pagkalibing ni Christine?” Lumunok siya ng sariling laway. Wala siyang kaplano-plano. Biglaan ang lahat. Naubos ang lahat ng ari-arian nilang mag-ina sa pagpapagamot. Halos naibenta niya na ang lahat at tanging ang bahay na lamang na ito ang natira, ngunit dahil sa step-father niya, na ngayon ay nasa likod ng pinto ng silid niya… hindi niya alam kung kaya pa niyang manatili dito, kasama ito. “Buksan mo ‘to, Mia, para makapag-usap tayo. Alam kong walang naiwan sa ‘yo na kahit na ano si Christine, pero marami akong puwedeng ibigay sa ‘yo.” Nanlamig ang mga palad niya. “U-Uncle Steve, pakiantay nalang ako sa ibaba—” Nahinto siya nang gumalaw ang door knob tila pinipilit pihitin ito mula sa labas. “Anong ginagawa mo?” Dumagungdong ang kaba sa dibdib niya. “Buksan mo ang pinto.” Umiling siya kahit hindi ito nakikita ng kausap. “Ano bang kailangan mo?” “Mag-usap tayo bago ka bumaba.” “Please… ayoko ng kahit na ano ngayong araw, bababa ako ng kusa.” “Mia, ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko?” Kumalampag ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Mia sa gulat. Sunod-sunod ang tila malakas na puwersa mula sa labas hanggang sa masira ang lock at tuluyang makapasok ang step-father niya. “A-anong ginagawa mo, Uncle Steve?” Tila hindi siya nito narinig. Lumapit ito at huminto sa harap niya. “Mia, hanggang ngayon matigas ang ulo mo. Alam kong walang ibang naiwan sa ‘yo si Christine bukod sa bahay na ‘to, I can give you everything, Mia, lahat ng mga hindi ko naibigay at nagawa kay Christine bago siya mawala… kaya kitang pasayahin, paligayahin…” Hinaplos nito ng palad ang pisngi niya. Tila napaso si Mia at kaagad na lumayo. Umatras siya habang bahagyang nanginginig. Mabilis ang t***k ng puso niya dahil sa kaba. “Mia, buhay pa man si Christine… alam kong alam mong gusto kita. At ngayong wala na siya, puwede na tayong dalawa.” “N-naririnig mo ba ang sinasabi mo, Uncle Steve?” Pilit pinatatag ni Mia ang boses niya. “Para kang wala sa sarili mo.” Hinawakan ni Steve ang braso niya. Mahigpit. Sinubukan niyang alisin iyon ngunit mas lalong humigpit. “Uncle Steve, please.. let me go.” “Hindi kita sasaktan, Mia, hindi ko ‘yon kayang gawin sa ‘yo. But… I need you to listen. Gusto kita, Mia. Handa ako ibigay sa ‘yo lahat ng gusto mo, bahay, sasakyan, milyon, para makabangon ka ulit. Tutulungan kita. Just love me, okay?” Nabablangko na ang isip ni Mia. Dumagdag pa sa gulo ang sinasabi ng step-father niya. “I’m a businessman, I can help you get your first job. Your new house, car, lahat.” Pilit niyang binawi ang braso niya. “Hindi pa ‘ko nababaliw, Uncle Steve!” malakas na bulyaw niya at naglakad palabas ng silid, ngunit bago pa man siya makalayo ay hinawakan na nito ang braso niya at hinatak siya patungo sa kama. Binuhat siya nito at ibinalibag sa ibabaw. Doon siya nag-panic. Nangilid ng luha ang mga mata niya at nagsimula siyang magpupumiglas. Batid niya na ang binabalak nito. Balak na matagal nang pinaplano noong nabubuhay pa man ang kaniyang ina. Ang angkinin siya nito. “Tulong!” nagsisigaw siya. Ngunit batid niyang walang makakarinig. Sila lamang ang tao sa malaking bahay na ito. Takot na takot siya. “Akin ka lang, Mia!” Sinimulang paliguan ng halik ng lalaki ang kaniyang leeg. Gigil na gigil ito. Ngayon ay inilalabas ang matagal ng pagnanasa para kay Mia. Umumbok ang p*********i nito sa suot na pantalon. Sinikap ni Mia magpumiglas ngunit lubhang mas malakas ang kaniyang step-father kumpara sa patpatin niyang pangangatawan. Umiyak siya nang umiyak. Napagod na lamang siyang pumiglas. Idiniin ni Steve ang mga braso niya sa kama upang hindi na makalaban. Mariinig napapikit si Mia habang kagat-kagat ang mga labi niya. Nawalan siya ng gana mabuhay. Nawalan ng lakas para lumaban. Walang kahit na sino ang tutulong sa kaniya. At higit na mas malakas ang lalaking nasa ibabaw niya kaysa sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin. “Let me go…” mahinang boses niyang pakiusap ngunit hindi natinag ang lalaki. Nagpatuloy ito sa paghalik pababa sa kaniyang dibdib. Wala ng lakas si Mia sa bigat ng dinadala niya. Kahit magsisigaw siya ay walang makakarinig lalo na at napakalakas ng ulan sa labas. Binitawan ni Steve ang braso niya ngunit tila siya lantang gulay na nagpaubaya na lamang. Malakas na pinunit nito ang suot niya. Takam na takam ang lalaki. Inalis ang kaniyang panloob. At kaagad na sinunggaban ang magkabilang dibdib niya. Diring-diri siya sa sarili. Talagang nawalan siya ng lakas. Ang mga luha ay sunod-sunod na pumapatak. “Let me go…” halos pabulong lamang na tinig niya. Habang abala ito ay nakakuha siya ng pagkakataon upang kunin ang flower vase na nasa ibabaw ng bedside table. Inipon niya ang lakas sa kaniyang palad at malakas na ipinalo ang nakuhang flower vase sa ulo ng step-father. Maging si Mia ay gulat na gulat sa nagawa. Nanginginig ang buong katawang sinipa niya ang lalaki palayo sa kaniya at hindi na siya nag-aksya pa ng oras upang tumakbo sa labas. Sapo ng palad niya ang sira niyang damit. Sinikap itago ang kahubaran ng dibdib. Nagtatakbo siya sa labas upang makalayo. Hindi alintana ang malakas na ulan na nagsimula siyang mabasa. Nagtatakbo lamang siya at hindi alam saan pupunta. Walang katao-tao sa palingid dahil sa masamang panahon. Habang tumatakbo ay naalala niya ang ina. Humalo ang mga luha sa patak ng ulan sa kaniyang pisngi. Napadpad siya sa simbahan at nanghihinang pumasok sa loob. Napaupo siya sa sahig at doon umiyak. “Hija, ayos ka lang ba?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.7M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
632.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.2M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
870.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
303.9K
bc

Not just, the Beta

read
311.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook