PAGPASOK ni Felix sa loob ng mansyon. Kaagad niyang nilapitan si Relle. "Rheenabelle." Yumakap si Relle kay Felix. Huminga naman ng malalim si Felix. "Hindi na makakalapit pa sa 'yo si Luke." "Really?" Kumunot ang nuo ni Felix at tinignan ang kasintahan. "You doubt my words?" Umiling si Relle. "Pero paano kapag pinilit niyang lumapit sa akin?" "I pull some string. Wala na ako sa serbisyo pero hindi ibig sabihin no'n wala na akong connection sa mataas na opisyal ng militar at pulis. Kapag lumapit pa sa 'yo si Luke. Police will get him and they will put him in jail." Felix said. Si Relle naman ang kumunot ang nuo. "Anong ikakaso mo sa kaniya?" Nagtataka niyang tanong. Ngumisi si Felix. "Trust me. Ako ng bahala do'n." He winked. Nagbaba naman ng tingin si Relle. Ngayon naiintindihan

