"SIGURADO ka na na gusto mong pumunta sa Maynila?" Tanong ni Felix kay Relle habang nakasakay sila ng eroplano. Dalawang araw rin na nanatili si Felix sa Baguio. Of course, in that two days, naging waiter siya ng restaurant ni Relle but that's okay. Natawa si Relle at napailing. "Felix, pang-ilang tanong mo na 'yan. At oo ang sagot ko. Oo. Oo. Oo. Oo. Ano? Magtatanong ka pa ba?" Felix sighed. "Gusto ko lang makasiguro, Sunshine." Ngumiti si Relle. "Felix, nakasakay na tayo ng eroplano patungo sa Maynila. Malamang kahit pa umatras ako. Wala rin lang akong magagawa. Nasa ere na tayo." Hinawakan ni Felix ang kamay ni Relle at dinala sa kaniyang labi. Hinalikan niya ito at nginitian ang dalaga. "Thank you." Relle just smiled and leaned to Felix. Sumandal siya sa balikat nito. Nang maka

