bc

ISANG GABING MAKASALANAN

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
HE
arranged marriage
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Lihim na minamahal ni Summer ang anak ng Amo ng kanyang mga magulang na si Alas. Buhay na buhay siya kapag nakikita niya ang binata lalong -lalo na kapag nagtatagal ito sa Mansyon. Hanggang isang gabi ay nakagawa si Summer ng isang makasalanang hakbang. Pinikot niya si Alas, sinamantala nitong lango sa alak ang binata. At sa isang iglap naging mag-asawa silang dalawa. Natupad na ang kanyang pinakakaasam na makasal sa taong pinakamamahal niya. Tama ba kaya ang nagawa ni Summer para sa ngalan ng pag-ibig? Hindi ba niya pagsisisihan sa tanang ng kanyang buhay na makasal siya sa isang ruthless billionaire? Magiging masaya nga ba siya sa piling ni Alas o magiging mala-impiyerno ang kanyang buhay?

chap-preview
Free preview
C-1: Unang Araw Sa Mansyon
Ang lakas ng tahip sa aking dibdib, muli ko na namang nasilayan ang malaking litrato ni Senyorito Alas sa Family gallery ng Mansyon. Ilang taon ko na siyang hindi nakita subalit ang huling encounter naming dalawa ay parang kahapon lamang. "Ang mata mo Sum, kung ano-ano na naman ang nakikita." Dinig kong babala ni Nanay. Natawa naman ako nang bahagya at tuluyan na akong sumunod kay Nanay. Pinakiusapan kasi ako ni Nanay na kung pupuwede ay papalitan ko muna si Aling Rosa kasi umuwi ito sa kanila. Namatay kasi ang asawa ni Aling Rosa at medyo matatagalan bago ito bumalik sa Mansyon. "Magandang umaga Donya Helena, narito na po ang aking anak. Siya muna ang kahalili ni Rosa habang wala siya," pagbibigay alam ni Nanay sa Donya na prenteng nakaupo sa hardin at nagbabasa ng diyaryo. Ibinaba naman ni Donya Helena ang hawak niyang diyaryo at pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "May maganda ka pa lang anak, Susan! Alam na ba niya ang kanyang trabaho dito sa Mansyon? Mga bawal na gagawin niya at mga dapat na taglay ng isang katulong?" Sagot ng Donya. Lihim akong napaismid, lalo ko lang napatunayan na matapobre talaga ang mga mayayaman. "Alam na po niya lahat sinabi ko na sa kanya," tugon ng aking Nanay. Nakita kong tumango-tango ang Donya. "Bueno puwede na siyang magsimula lalo pa at magsidatingan ang aking mga anak bukas ng gabi." Ani ng Donya. Napakawalan ko ang aking hininga na kanina ko pa pinipigilan. "Salamat Donya Helena," sabi ng aking Nanay sabay yuko at hinila na niya ako. Gaganapin kasi ang wedding anniversary nina Donya Helena at Don Fausto sa susunod na araw. Kaya magsisidatingan na naman ang kanilang mga anak. Malaking preparasyon ang gagawin ng lahat lalo na ang mga katulong sa Mansyon. " 'Nay, dalawa na lang pala ang anak nilang nakatira dito sa Mansyon. Nasaan po ang iba?" hindi ko napigilang itanong. "Nasa lungsod na kasi ang iba, nagpapatakbo ng kanilang mga negosyo dahil pumirmi na dito si Don Fausto." Sagot ng Nanay. "Ganoon po ba? Pati po ba si Senyorito Alas?" Tanong ko ulit. "Oo! Pero, weekend umuuwi iyon dito!" Tugon na naman nk Nanay. Kinilig ako, kung dati buwan o kaya taon bago ko siya makita ngayon kada weekend na. Siya ang inspirasyon ko sa araw-araw katunayan nga tadtad ng kanyang picture ang kwarto ko sa bahay. Lagi ko siyang pinapangarap, lagi ko siyang napapanaginipan bilang asawa niya kuno. Dahil doon hindi ko alintana ang hirap ng buhay at hirap ng isang estudyante. Nakatapos akong siya ang aking kalakasan at kasiyahan. "Sum para ka ng tanga diyan na nakatulala habang nakangiti." Pansin ni Nanay. Namula naman ang aking pisngi at napahiya kay Nanay. "Nanay naman!" Himutok ko. Inirapan ako ni Nanay. "Tama nga ang Tatay mo may sarili kang mundo. Ako ang natatakot sa'yo Summer baka mamaya niyan basta ka na lang nananakal." Sabi pa ng Nanay. "Grabe ka naman 'Nay! Anong akala mo sa akin baliw?" inis kong sagot. "O, e hindi nga ba?" Tahasang wika ng Nanay. Mas lalo akong nainis kay Nanay imbes na kadamay ko siya lagi na lang siyang kontrabida sa buhay ko. "Kung hindi ako matino at baliw ako, hindi sana ako nakatapos ng aking pag-aaral. Saka, hindi po ako papayag na magta-trabaho dito," katwiran ko naman. "Nagpapasalamat nga ako at diyan ka matino," turan ng Nanay at pinandilatan niya pa ako. Napasimangot na lamang ako sa sobrang inis ko kay Nanay. Hindi na ako sumagot pa at alam kong hindi ito nawawalan ng sasabihin. "Kumilos ka na hindi ka disney princess dito, sa bahay baka puwede pa." Utos ng Nanay bigla. "Opo!" Tugon ko na lamang at sinimulan ko na ang aking mga gawain. Yamot ako palagi kay Nanay parang wala man lang paglalambing mula sa kanya. Kada tatanungin ko kung bakit parang ang tigas ng kanyang puso sa aming mga anak, ang palagi niyang sagot bawal daw ang mahina. Gusto lang sana naming maglambing sa kanya pero paminsan-minsan naman ay pinagbibigyan niya kami. Nadarama din namin ang kanyang pagiging mapagmahal at mapag-kalingang Ina sa aming mga anak niya. Lahat ng inutos sa akin ni Nanay ay ginawa ko sa abot ng aking makakaya. Nakakapagod pero sa tuwing nadadaanan ko ang malaking litrato ni Alas ay sumisigla ako. Binasted ko kaya lahat ng manliligaw ko kasi hindi ko makita sa kanila ang mga katangian ni Alas. Naipangako ko sa aking sarili na hindi ako makikpag-relasyon sa iba hanggat hindi ito kagaya ni Alas. "Kumain na tayo Sum, tapos na ang ating mga amo." Tawag sa akin ni Nanay. "Opo! Isasampay ko na lamang po itong huling comforter." Mabilis kong sagot. "Bilisan mo diyan," pahabol pang sabi ni Nanay. Napapalatak ako. Kung makapag-utos talaga si Nanay ay parang siya ang boss. Binilisan ko na lamang ang aking mga kilos para hindi na maging rapper si Nanay kapag hindi pa ako matapos- tapos. Kapagkuwan ay pumaroon na ako sa dirty kitchen ng Mansyon para makakain na din. "Anong ulam natin 'Nay!" Tanong ko nang makalapit ako sa hapag-kainan. Halos naroon na lahat ng mga katulong sa Mansyon. Masaya ang kumain dahil marami kaming magkakasabay- sabay. "Kumain ka na lamang at huwag ng magtanong ng ulam. Nakikita mo naman kung ano ang mga nakahain," sagot ng Nanay. Nanulis tuloy ang aking nguso at naupo na sabay kuha ng pinggan at kutsara. Tatlong putahe ang nakain na mga ulam namin sa hapag-kainan. May sinigang na baka, pritong isda at pinakbet plus saging na may kasamang lemon juice. Bigla tuloy akong natakam dahil kay sasarap ng mga pagkaing baka doon na ako maging xxl pag nagtagal pa ako ng Mansyon. "Siyanga pala Sum, sa kaliwang pasilyo ng maid's quarter naroon ang kwarto mo. Sa unang kwarto ka nagkapalit kayo ni Dea anak ni Salome." Pagbibigay alam ni Nanay sa akin habang kumakain kami. Napatitig ako kina Aling Salome at Dea na ngumiti naman sa akin. "Bakit po? May multo po ba sa dating kwarto ni Dea?" Tanong ko naman. "Wala Sum! Nagwo- walking sleep kasi si Dea kailangan nasa malapit lang ako." Sagot ni Aling Salome. Ngumiti naman ako kasi binibiro ko lang naman sila. "Ganoon po ba? Okay lang po sa akin malapit ako sa malaking kusina panigurado maraming tsibog doon." Tugon ko. "Hoy, Sum kung ano-ano na namang kalokohan ang naiisip mo diyan ha? Baka mamaya mapalayas tayo ng wala sa oras," agad na sermon sa akin ni Nanay. "Nagbibiro lang naman ako 'Nay!" Nakangiwing sabi ko. Inirapan ako ni Nanay at pinandilatan napakamot na lamang ako sa aking Batok. Ang hirap talagang buruin ang mga matatanda na kagaya ni Nanay parating kill joy nakakainis. Buti pa si Aling Salome natawa maging ang iba pa samantalang kay Nanay akala mo laging may laban dahil palaging handa ang sermon niya sa akin. Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain lahat. Kaya lahat kami ay balik trabaho na naman. "Hoy, ikaw bago ka ba dito?" May boses na nagsabi sa aking likuran. Pumihit ako paharap, nakatayo ang isang seksing babae sa aking harapan. Pero kinulang naman sa tela ang suot niyang damit napaisip ako kung hindi ito kakabagin sa ikso ng suot niyang damit . "Ako ba ang kausap mo?" tanong ko naman. "At sino pa nga ba sa akala mo ha?" Pandidilat niya sa akin. Kuhang-kuha ng babae ang aking inis maikli pa naman ang aking pasensya sa mga katulad nitong feelingera. "Sorry ngayon lang kasi kita nakita dito saka oo bago nga ako." Maalumanay ko pa ring sagot. Pinaikot ng babae ang mga mata nito aba ay binilangan ko ng isa. Baka mamuro makakatikim talaga siya sa akin baka akala niya. "Kaya naman pala may pagka-shunga ka. Ako si Daisy, fiancee ni Alas kadarating ko lang. Napansin kasi dito sa may hardin, bago ang iyong mukha kaya nilapitan kita." Saad nito. Napalunok ako, pero biglang kumirot ang aking puso. Kaharap ko pala ang babaeng tunay na nagmamay-ari kay Senyorito Alas. Pero sayang maganda nga ang gaspang naman ng pag-uugali nito. Alam kaya ni Senyorito Alas na ang sama ng pag-uugali ng kanyang fiancee. "Ano at nakatulala ka na diyan? Hindi ka lang shunga isa ka ring bingi!" Narinig kong sinabi ng babae. Pilit pa din akong ngumiti pasalamat ang babae alam ko kung saan ko ilulugar ang aking sarili. Pero sisiguraduhin kong may araw din ang babaeng ito sa akin. "Pasensya na po kayo Ma'am," sabi ko na lamang. Tumawa naman ang babae. "Anong Ma'am ka diyan? Call me Senyorita okay?" Wika nito. Lihim akong napaismid dahil hindi naman bagay sa babae ang tawaging Senyorita kung ang pagbabasehan sana ay ang kanyang hitsura. "Sorry Senyorita," ulit kong sabi. "Ganyan! Masunurin ka din pala," ani nito at tumalikod na. Kung hindi lang kasalanan ay kanina ko pa na-real talk ang Daisy na 'yan. Sinisira nito ang araw ko nakakagigil talaga ang babae. Matapilok ka sana! Bulong ko sa aking isipan habang sinusundan ko ng tingin si Daisy. Hindi naman nagtagal at nakita kong natapilok nga ang babae agad akong tumalikod para itago ang aking tawa. Saka nakita ko kasing lumingon siya sa aking kinaroroonan kaya nagkunwari akong busy at walang nakita. Natuwa naman ako dahil ang bilis ng karma ng malditang si Daisy. Alam kong masakit ang pagkakatapilok ni Daisy pero hindi ako naawa dahil deserved niya ang nangyari sa kanya. Magaspang kasi ang pag-uugali nito at alam niyang matapobre din ang dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
94.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
168.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
80.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
26.2K
bc

His Obsession

read
102.1K
bc

The naive Secretary

read
68.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
28.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook