C-4: Final decision

1589 Words
"What is the meaning of thissss!" Matinis na boses ni Daisy ang umalingawngaw sa buong Mansyon. Napabalikwas ako nang bangon subalit agad na napangiwi nang makaramdam ako ng kirot sa pagitan ng aking mga binti. Idagdag pang parang napalo nang malala ang aking puwetan maging ang aking mga balakang. "You're so noisy baby!" Pupungas- pungas na sabi ni Senyorito Alas. Natigilan ako at agad na nagmulat, galit na galit ang mukha ni Daisy na nakatingin sa akin. "Ikaw malandi kang babae ka! I knew it from the start that you like Alas!" Naggagalaiting ngawa ni Daisy at mabilis na lumapit sa akin at hinawakan agad ako sa buhok. Mabilis ko siyang itinulak upang mabitawan niya ang aking buhok. "Sum?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Senyorito nang mahimasmasan ito at agad na tumayo saka binalot ang sarili sa tuwalyang nasa malapit nito. Napayuko ako, noon ako nakadama nang sobrang hiya sa aking ginawa kagabi. Alam kong bawal at lasing si Senyorito pero nagpatinaod pa din ako sa kanyang nais niyang gawin namin kagabi. Siya namang pagdating nina Donya Helena at Don Arthur upang nagulat sa kanilang madaratnan. "Alas? Paano mo ito nagawa kay Sum? She's young and..." Si Don Arthur. Naihilamos ni Senyorito Alas ang palad nito mukha niya at gulong-gulo. "I don't know Dad! Akala ko si Daisy ang kaulayaw ko kagabi at hindi si..." Bakas sa mukha ni Senyorito ang pagtataka na nakatingin sa akin. Napaiyak ako hindi dahil sa takot kung hindi sa kahihiyan na noon lang ang sink ang outcome ng kapangahasan ko kagabi. Ako itong matino ang pag- iisip kagabi subalit hininaan ko si Senyorito na galawin ako dahil sa lasing siya. "Tinukso mo ba ang anak ko Summer?" May galit sa mukha ni Donya Helena. Umiling ako, gusto kong sabihin ang katotohanan subalit wala akong boses na lumabas mula sa aking bibig. "Enough, Helena! Magbihis na kayo at ayusin ang inyong mga sarili. After that, join me sa sala doon tayo mag- uusap- usap!" Kalmado subalit buo ang boses ng Don saka ito tahimik na umalis. Kagat labi akong kumilos at mabilis na nagsuot ng aking kasuotan. "Lumabas ka muna Daisy, I'm going to the bathroom." Baling naman ni Alas kay Daisy na nagngingitngit pa din. "Ikaw mutchacha bilisan mong lumabas at tapos na ang kalandiian mo kapal!" Inis na baling sa akin ni Daisy. Sinamaan ko siya nang tingin habang ako ay nagsusuot ng aking bestida. Hindi porke't nakagawa ako nang malaking pagkakamali ay hahayaan ko siyang tapak- tapakan ako nagkakamali siya. Halos magkasunod lang kami ni Daisy na nagpunta sa sala at halos lahat ay naroon na kasama ang aking Inay na umiiyak. Noon ako inusig ng aking konsensya nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin kay Senyorito Alas. Hindi ako makatingin kay Inay ayokong makita ang hinagod- dahil sa kagagawan ko. Naging makasariling anak ako at tanging sarili ko lang ang aking naisip. Hindi ko naisip ang mararamdaman ni Inay kapag nalaman niya ang kapahangasang ginawa ko. "Maupo ka Summer," utos sa akin ng Don. Umupo ako malayo kay Inay at nanatili lang akong nakatungo. "Daisy, puwede bang out of picture ka muna usapang pamilya ito." Baling naman ng Don kay Daisy. "What?! I'm your son's fiancée," tutol ni Daisy. "Well, hindi pa namin alam iyan. All we know is long time girlfriends ka ni Alas. And I know how you feeling right now but kamk muna ang mag- uusap- usap please lang!" Giit ng Don. Dinig ko ang pagbuga ni Daisy ng hangin at alam kong hindi maipinta ang mukha nito. Pero hindi ko siya tiningnan, tanging ang kanyang pagdabog ang aking naramdaman. "Now, Alas dapat mong panagutan si Summer wether you like it or not." Matatag na desisyon ni Don Arthur nang wala na si Daisy. "But Dad, hindi naman po yata tama ang desisyon niyo. You know that I have a girlfriend that's why I can't marry Summer!" Pagtutol ni Senyorito. "Ano ang hindi tama? Pinakialaman mo ang anak ni Susan alangan namang hindi mo pananagutan? At isa pa gusto mong makulong? Gusto mong ilagay sa kahihiyan ang pamilyang ito damn it?! Bata pa si Summer ngayon ano ang hindi tama sa desisyon ko ha Alas?" Sumabog ang boses ni Don Arthur na kanina lamang ay kalmado. Napakislot pa ako sa gulat at napapikit dahil sa lakas ng boses ng Don. At saglit na namayani ang katahimikan sa buong sala walang nangahas na nagsalita sa amin na nakikinig sa Don. "Art, baka puwedeng mapag- usapan natin nina Susan ang naganap without mentioning the marriage between them." Biglang suhestiyon ni Donya Helena. "At anong iba pang usapan ang gusto mo, Helena?" Naka- kunot noong tanong ng Don. Bumaling si Donya Helena sa aking Nanay sabay gagap sa palad nito. "Susan baka naman maareglo natin ito, alam mong hindi bagay ang anak ko at ang anak mo. Kuha mo ba ang ibig kong sabihin?" Wika ni Donya Helena. Napaangat ako ng aking mukha medyo nainis sa matapobreng Donya. Nakita kong umiiling-iling ang aking Nanay saka napasinghot. "Nawala na po ang tanging kayamanan ng aking anak Donya Helena. Hindi sa ambisyosa ako sa inyong kayamanan pero kahit ito lang ay maigalang ang puri naming mga mahihirap ang panindigan ni Senyorito si Summer." Sagot ni Nanay. "Inay... kahit hindi na po may kasalanan din po ako." Lakas loob kong sabat. "Tumigil ka Summer hindi mo alam ang pinagsasabi mo diyan!" Singhal sa akin ni Nanay. Nanahimik ako alam kong galit na galit si Inay sa akin. "Susan, makinig ka bibigyan ko kayo ng malaking halaga ng anak mo. Lalo na kapag nagbunga ang kapangahasang ginawa nila ni Alas. Ipagbubuntis niya ang bata hanggang sa mailuwal niya pagkatapos kukunin namin ang bata. Magbubuhay dalaga ulit ang anak mo, wala pa kayong gagastusin maski ni isang kusing tumahimik Lanang kayo." Paliwanag pa ni Donya Helena. "Binibili niyo ba kami Donya Helena?" Mariing tanong ni Inay. "Hindi na masama ang offer ko Susan," giit ng Donya. "Hindi baboy ang anak ko Donya Helena para pagkatao niyang manganak ay ipamimigay na lang." Matatag na wika ni Inay sabay sulyap sa akin at agad naman akong napayuko. Tumikhim si Senyorito Alas. "Sum, bata ka pa puwede kang magtrabaho kahit saan mo gusto back up pan kita." Sabi niya sa akin. Hindi ko tiningnan si Senyorito. "Tama na, desisyon ko pa rin ang masusunod. Itigil mo na ang panggagantiyo mo kay Susan Helena kilala mo siya sa haba ng panunungkulan niya sa atin. As of Alas, you're grounded starting today. Huwag mo akong susubukan Alas magkakaaalaman tayo ngayon." Pinal na sabi ni Don Arthur. "Pero, Dad? Hindi ko ito kagustuhan," giit ni Senyorito. "Walang may gusto nito ng dahil sa pesteng kalasingan mo kaya ka napahamak. Kahit pa tumanggi si Summer sa laki ng katawan mo makakatakas ba siya sa'yo? Ayokong mabahiran nang kahihiyan ang pamilyang ito kaya desisyon ko ang masusunod tapos!" Galit na tugon ng Don. Padabog na tumayo si Senyorito Alas at mabilis itong umalis ng sala. Tiningnan naman ako ni Donya Helena nang masama na parang bang tahasan niyang ipinapakita sa akin na kailanman ay hindi niya ako matatanggap bilang manugang niya. Hindi ko naman hangad na pakasalan ako ni Senyorito katunayan nga ay papayag na sana siya sa mga kondisyones niya kanina subalit ayaw talagang pa-areglo ni Inay kaya nanahimik na ako. "Puwede mo ng kausapin ang anak mo Susan, bukas na bukas ikakasal sila kay Judge Villamorin." Baling ng Don kay Nanay. Tahimik na tumango si Inay at nagpaalam na din ito. Tahimik kong sinundan si Nanay sa aming maid's quarter. Mabibilis ang mga hakbang ni Nanay at inihanda ko na ang aking sarili dahil alam kong makakatikim ako sa kanya. Isang sampal ang natamo kay Nanay pagkapasok namin sa aming kwarto. "Ano ang pumasok diyan sa kukote mo at nagpatukso ka sa anak ng Amo natin ha, Summer?!" Galit na galit si Inay kita ko ang ugat nito sa kanyang leeg. Napahikbi ako. "Kasalanan ko Inay patawarin mo ako," Iniwasan ako ni Inay nilayuan niya ako sa pagtangka kong paglapit sa kanya. "Binigo mo ako Sum, kami ng Tatay mo. Kung alam ko lang na dito ka lalandi hindi na sana kita isinama dito. Ang tahi- tahimik mo tapos sa loob pala ang iyong kulo? Tama ang kasabihang katawang mahinay, puking magaslaw!" "Inay naman," dabog ko. Inirapan ako ni Inay. "Pinasok mo ito puwes, solohin mo ang iyong problema. Huwag na huwag kang magsusumbong sa akin kung hindi magandan ang trato sa'yo ni Alas kapag mag- asawa na kayo. Matuto kang hanapan ng solusyon ano mang problema na kakaharapin mo sa piling niya dahil sobra mo akong sinaktan Summmer." Napaiyak na lang ako, dama ko ang sobrang hinanakit sa akin Nanay. Hindi ko sigurado kung ano ang magiging reaksyon ni Itay kapag nalaman niya ang kalokohang nagawa ko dito sa Mansyon. "Puwede ka ng umuwi Daisy. Ikakasal na si Alas at ayokong umaaligid ka pa sa kanya. Baka magka- issue masisira pa ang magandang imahe ng pamilya namin." Seryosong sabi ni Don Arthritis kay Daisy nang ipatawag niya ito upang kausapin. "Bakit ganoon? Kami ang biktima dito ni Alas bakit parang kami ang may kasalanan sa nangyari?" May hinanakit na sagot ni Daisy. "Walang may gusto sa nangyari. Sinasabi ko lamang ang maaaring mangyari kapag didikit ka pa kay Alas. Alam mo naman siguro ang salitang respeto hindi ba?" Tugon ni Don Arthur. Hindi sumagot si Daisy, walang lingon likod itong nagmartsa palabas ng library room. Ni hindi man lang ito nagpalaam kay Don Arthur kung kaya't napailing-iling na lamang ang matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD