"Jacob, baka bumalik ang fiancee mo dito," sabi ni Diamond, habang paakyat sila ng second floor. Nagsabi ang binata na dito sila matutulog. Na gusto siya nitong makasama ngayong gabi. Nag-aalala siya ngayon at kinakabahan. Hindi puwedeng may mangyari sa kanila. "Hindi naman iyon makakapasok kapag bumalik siya," kalmadong sagot ng lalake sa kaniya. Dinala siya nito sa kaniyang kuwarto. "I'll just take a shower," paalam nito bago pumasok ng banyo. Nag-iisip naman si Precious ng kaniyang gagawin. Nag-text siya kay Ziyad pero kahit naman ito walang magagawa sa sitwasyon niya ngayon. Mabuti na lang at may beer sa fridge kaya naisipan niyang makipag-inuman na lang kay Jacob. At pagkatapos ay tutulugan niya ito. Pero sana lang hindi siya nito galawin habang tulog siya. Hindi na niya nabas