THIRD POV Nanggagalaiti sa galit si Cora nang hindi na naman umuwi sa magdamag si Jacob, kaya hinanap niya ito sa lahat ng puwede nitong puntahan. At natagpuan niya ito sa penthouse kinaumagahan. Pinigilan pa siya ng bodyguard ni Jacob kanina sa labas. At kung hindi lang siya nagwala hindi pa siya papapasukin sa loob. Nadatnan niya ang mga kaibigan ni Jacob sa may living room na mga tulog pa at may mga katabing mga babae. May mga babae, kaya naisip niya na mayroon ding babae si Jacob. Alam niyang nasa loob ng silid si Jacob, kaya halos gibain niya ang pintuan nito sa lakas ng kaniyang pagkatok. "Jacob!" "Buksan mo itong pinto!" Naalimpungatan naman ang mga kaibigan ni Jacob. Nagmamadali ang mga 'to na magbihis at sinama nila sa pag-alis ang mga babae na kasama nila. Nagising