Mula sa labas ay pinagmasdan muna ni Jade si Cora na nasa loob ng isang mamahaling restaurant. Halata ang stress sa mukha nito at ang pagbagsak ng kaniyang timbang. Kung siguro nakokonsensya ito sa ginawa nito sa kaniya, baka sakaling kaawaan pa niya kahit paano, pero hindi, e. Walang konsensya ang babae at ni minsan, parang hindi man lang yata sumagi sa isip nito si Precious. Huminga siya nang malalim bago pumasok sa loob ng restaurant. "Hi, Cora... Kumusta ka?" Hindi magawang ngumiti sa kaniya ng babae. Kita niya ang nangingilid na mga luha sa magkabilang sulok ng kaniyang mga mata. "Why? What happened?" "He did it again?" Batid na niya kung ano ang tinutukoy ni Cora, pero nagmaang-maangan siya. "Sino? At ano'ng ginawa?" Umiiyak ang babae habang kinukuwento nito ang ginawa