"Ah, kasi..." Nagkamot ako ng batok at kung saan-saan ko na din binaling ang tingin ko. Natutuwa naman siyang nakatingin sa akin, kaya mas lalo pang nag-init ang aking pisngi. What was I thinking? Bakit ko sinabi iyon? Well, tinatanong mo pa! Siya lang naman ang iniisip mo, sagot ng aking utak. "Ano... Ah..." Hinaplos ko ang aking pisngi. Ngumuso ako at tumikhim. "Kasi, di ba may share ka sa kompanya ko?" There! God! Buti na lang at nakapag-isip pa ako ng palusot! Tumango-tango naman siya pero may ngiti pa din sa kaniyang mga labi. "Okay. Pero hapon na. It's past working hours already." Tumango naman ako. "Kaya nga. Late ka ng dumating. Kaluluwas mo lang?" Nang masigurado na wala akong nakalimutan, sinukbit ko na ang aking bag at binitbit ko ang aking totebag. "After lunc