Mula sa pagkabigla ay unti-unti akong nadala sa kaniyang mga halik. Ang lakas ng kalabog ng aking dindib at ang aking tiyan ay animoy hinahalukay. Nang marahang gumalaw ang kaniyang mga labi ay napapikit ako at napahawak sa kaniyang damit. Hindi ko alam kung paano sabayan ang kaniyang labi. It's my first real kiss and it is really happening right now. Pinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Napaungol ako at napayakap sa kaniya. Kinakapos na ako ng hangin dahil sa kaniyang ginagawa. Kung hindi lang nag-ring ang kaniyang celphone ay hindi pa ito titigil. Kumalas siya, lumayo at tumalikod ng wala man lang ni isang salita na sinabi sa akin. Nanghihina akong napaupo sa dulo ng aking kama. Kinapa ko ang aking dibdib na hanggang ngayon ay hindi pa din kumakalma. He kissed me!