"Ang aga mo namang matulog." Dumating si Cora kaya naudlot ang pagtulog ko. Naka-pajama na siya pagdating niya. Mukhang nagtalo na naman sila ng kaniyang Nanay kaya dito nagpunta. "Masakit kasi ang katawan ko, pagod ako," sagot ko naman. May dala siyang alak at mga crackers. Mukhang gusto pa niya akong kainuman kahit na alam naman niyang hindi ako nag-iinom talaga. "Bakit? Huwag mo na kasing piliting mag-work out. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Sumimangot ako. "Sanay na ang katawan ko." "Kung sanay, ba't masakit?" "Jacob and I had s*x last night." Napatanga siya ng ilang segundo. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon ang reaksyon niya. "You're joking, right?" natatawa niyang tanong. Ngumiti ako at umiling. Nakagat ko din ang aking labi dahil nanariwa ang nangyari