Hawak ko ang aking noo habang papasok ako ng aking opisina. Galing ako sa lunch meeting kasama ang investor. May binubuo kasi kaming bagong project. Medyo madugo ang proseso kaya na-stress ako. Tinataas ko lang ang isang kamay ko sa mga empleyado na bumabati sa akin ngayon. Hindi ako ngumingiti dahil hindi na iyon kusang gumuguhit sa aking mga labi. Pagdating ko sa aking opisina, nadatnan ko pa ang tambak na mga papeles. Parang gusto ko tuloy iyong inaalok na bakasyon ni Awi sa akin. Kaso, hindi ko naman puwedeng pabayaan ang mga negosyo namin. Uminom ako ng tubig bago ko sinimulan ang trabaho. At kung kailan mag-alas tres naman ay dumating si Awi. "Bakit nakasimangot ka?" tanong ko sa aking kaibigan. Ang ganda-ganda ng ayos niya pero bad mood siya. "Hindi ko bet iyong lalake,"