Ziyad wanted to ask her about her plans about Jacob. Hindi niya mabasa ang nasa isip ng babae. O mas tamang sabihin na natatakot siya na baka tanggapin niya ito sa kabila ng mga nagawa nitong masasakit sa kaniya. He knew that she will never be happy if she will accept her again. She will be miserable again. Kahit ibang lalake na lang diyan, basta hindi lang si Jacob, kaya pa niyang tanggapin. Kasama nilang kumain ng dinner si Awi pero maging ang babae ay tahimik lang at nakikipagparamdaman sa kanilang dalawa. Palipat-lipat ito ng tingin sa kabilang dalawa pagkatapos ay magsusubo, may multo ng ngiti habang ngumunguya. Tumikhim ito nang hindi din siya nakatiis. "In-inform niyo na ang media tungkol sa pagbabalik mo?" Nagawa na ni Ziyad at lalabas iyon mamayang madaling araw, pero hinin