Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Sep 10, 2017 Part 59: Lason sa Lason "Alam mo ba na si Rael mismo ang pumatay sa daang kawal na ito? Ang gandang tanawin noon kanina habang isa isa silang pinuputulan ng ulo, hinahati ang katawan at dinidilig ang dugo sa lupa. Iyon ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat." ang wika ni Kier habang ninamnam ang kanyang mga sinasabi. "Ayoko nang marinig ang lahat ng sasabihin mo! Pag babayaran mo ng malaki ng ginawa mo sa kanila!" ang sagot ko na halos sumabog sa galit. Ang aking kalamnan ay nanginginig at ano mang oras ay maaari akong mawala sa aking sarili. "Huminahon ka. Sinasadya ni Kier na sirain ang iyong konsentrasyon. Ang taong galit ay nawawala sa kanyang sarili at nag papadalos dalos ang kilos. Iyon ang gusto niyan