Part 18: Alikdao

2776 Words

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Aug 1, 2017   Part 18: Alikdao   "Magandang umaga po master, mukhang maaga tayo dito sa silid aklatan ah" bati ni Mr. Wilson   "Oo, ang lakas kasi mag hilik ni Rael kaya bumangon na ako." ang wika ko   "Pagod po kasi ang Prinsipe at siya ang nag ensayo sa mga kawal kahapon. Ang mga blood sucker ay minsan lang natutulog ngunit talagang matagal ito na animo paniki." ang wika ni Mr. Wilson   "Huwag nalang natin siya istorbohin upang makabawi siya ng lakas." ang naka ngiti kong tugon   Habang nasa ganoong pag uusap kami ay hindi ko maiwasang maitanong kay Mr. Wilson kung ano ang tungkol sa mga nilalang na maaaring makalaban namin sa pag pasok sa Dark Keeper Gate kung saan naka tirik ang lupain ni Rascal. Isa kasi iyon sa bumabagabag sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD