Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi Aug 4, 2017 Natawa ang heneral at nag wika "At bakit ko gagawin iyon? Walang makakalaya ni isa man sa inyo dahil simula ngayon ay bihag ko na rin kayo! Ihahanay ko kayo sa aking pang himagas! At ang mga buto ninyo ay gagawin kong desenyo sa aking tarangkahan!" "Eh yun naman! Laban na!!" ang sigaw ni Rael sabay takbo ng mabilis sa kalaban. Part 21: Ang Puso ni Rascal Isang malakas na pag sabog ang yumanig sa paligid dulot ng pag suntok ni Rael. Nag biyak ang lupa at nag liparan ang malalaking tipak ng bato sa aming harapan. Binalot ng makapal na alikabok ang paligid.. "Sablay!" ang bulong nito noong walang tinamaan ng kanyang kamao. Nanatili lamang siyang nakatayo sa hukay na kanyang nilikha dulot ng malakas na pag ata