PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Sept 1, 2017 Part 50: Ang lupain ng kirot "Master mas makabubuti kung mag susuot ka ng balabal. Paakyat na tayo sa bundok kung saan naroon ang kaharian ni Heneral Kier. Habang pataas ng pataas ang lupa ay palamig rin ng palamig." ang wika ni Heneral Liad na may halong pag aalala. "Ayos lamang ako. Sa lamig pa ba ako susuko e apat araw na tayong nag lalakbay. Basta ang hiling ko lang ay sana maging maayos ang