Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Season 2 Sep 8, 17 Part 55: Sagradong Armas Makalipas ang dalawang araw ay nag simulang ang pag sasanay namin ni Santre. Ilang beses niyang pina alala sa akin na wala siyang intensyon naturuan ako ng itim na mahika katulad ng katangian ng kanilang lahi. Ang tanging magagawa lamang niya ay palabasin ang aking kakayahang pag depensa sa aking sarili. "Ito ang unang parte na iyong pag sasanay." ang wika nito habang pumapasok kami sa isang silid. "Pag sasanay? Dito sa loob ng silid aklatan?" pag tataka ko "Oo, una ay kailangan mo munang makikilala kung sino ka, anong klase ang iyong lahi at ano ang kanilang natatanging kakayahan. Hindi natin maaaring bigyan ka ng isang kakayahang hindi tatanggapin ng iyong katawan. Masasayang lama