Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Part 40: Supling Lumipas ang ilang buwan ng aking pag dadalang tao. Dito ay medyo lumaki na rin ang aking tiyan. At nararamdaman ko na rin ang pag babago dulot nito. Kapag nararamdaman kong gumagalaw siya sa loob ng aking sinapupunan ay napapa igtad ako sa sakit at kung minsan ay talagang nag susuka ako. "Lalaki ang anak mo. Isang malusog na batang lalaki." ang wika ni papa habang sinusuri ako sa kanyang klinika. "Kaya malikot iyan ay dahil lalaki. Naalala ko nga noong pinag bubuntis kita, pagulong gulong ka rin sa aking tiyan." ang wika ni mama samantalang ako naman ay napatingin sa aking tiyan na noon ay parang umaalon alon. "Frend, kamusta kana? May dala akong fruit cocktail, fresh na fresh naka lata pa. Eto nalang a