Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Aug 13, 2017 At iyon nga ang set up, kinabukasan agad kaming tumulak sa isang kapatagan malapit sa lawa ng Karugkarug upang ipain si Rael na ang set up ay kunwaring nang huhuli siya ng isda. Samantalang kami naman ay nakatago lang sa paligid at nag hihintay ng susunod na mangyayari. Part 33: Hamog Ang lawa ng Karugkarug ay malawak, sa paligid ay may mga puno at maninipis na damuhan. Ang tubig ng lawa ay tahimik bagamat mayroon itong kaunting agos. Ang paligid ay punong puno ng hamog na siyang nag bibigay ibayong lamig sa aming mga katawan. Patuloy kaming nakatago sa makapal na damuhan samantalang si Rael naman ay naka upo lamang sa tabi ng lawa habang naka hawak sa pamingwit. Sumisipol pa ito habang nag aabang. Nakatanaw sa malayo na