Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Aug 15, 2017 Part 35: Reyna Emcee: Nandito na tayo sa Phase 2 ng ating kompetisyon kung saan ang mga kalahok ay pabilisang sasagot sa bawat katungan. Ang unang dalawang makakasagot ng tama ay ang aabante sa susunod na round. Good luck ladies. Katulad ng Miss Q and A sa showtime ay naka tayo ang mga kandidata sa entablado at sa harap nila ay ang mga buzzer. "Kaway sa kanan! Unang tanong." ang wika ng Emcee "Sa theory of evolution. Saan raw nag mula ang tao?" Toink! Candidate number 3! "I believe na ito po ay kamukha ni Number 1. Ito rin po ay kapatid ni Number 2 at marami nito sa Zoo. Ang sagot po ay Unggoy. I Thank You!" Emcee: Unggoy, TUMPAK ganern!! Miss Annabelle Dela Cruz,, Pasok kana sa next round!!” Palakpak