Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Aug 15, 2017 Part 37: Ang Asul na Buwan Lumipas ang maliligayang araw sa buhay namin ni Rael bilang mag asawa. Wala namang pag babago, naging abala lamang kami sa aming mga tungkulin sa palasyo. Siya ay patuloy sa pag sasanay ng mga kawal at ako naman ay nag pupunta sa bayan upang suriin ang may mga karamdaman. Naka ugalian ko na rin kasi na mag kawang gawa lalo't pakiramdam ko ay mas lalong lumalakas ang aking kakayahan bilang mang gagamot kapag nagagamit ko ito ng mas madalas. Noong una ay ayaw akong payagan ni Rael, sadyang mahigpit lang talaga ang loko kaya't mahirap mag paalam sa kanya mabuti na lamang dahil sinasamahan ako ni Oven at Mr. Wilson kaya ito pumapayag. "Espesyal ang aking kakayahan kaya't hindi ko ito ipinag kakait