Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Aug 10, 2017 Part 30: Mga Ala-ala ng Nakalipas Tila ba naging isang malaking palaisipan sa amin ang tungkol sa bundok ng Bari bari. At kung ano ang misteryong bumabalot dito. Gayon pa man ay labis akong nag papasalamat dahil nandito si Rael upang suportahan ang lahat ng aking kilos. Kahit paminsan minsan ay nag dudulot ito ng kapamahamakan at sakit sa aming katawan. Matapos ang pakikipag laban namin ni Rael sa nilalang doon sa loob ng lumang silid aklatan ay muling nag balik sa normal ang aming buhay, bagamat walang makapag paliwanag kung anong klaseng nilalang nga ba ang aming nakasagupa. At bilang proteksyon, sina papa at mama nalang ang humarap sa media at sinabing nabiktima lamang kami ng gumugulong gusali habang pauwi sa bahay.