Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017
AiTenshi
July 25, 2017
"Ovenn!!! Ibalik nyo siyaaaaaa! Ibalik nyooo!!!" ang sigaw ko na nag echo sa buong paligid..
Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Batid kong naka kulong kami sa isang mundong punong puno ng karimlan. Hindi ko alam kung ako pang nag hihintay sa akin sa dako pa roon..
Part 7: Dayuhan
Tumama ang sikat ng araw sa aking mukha dahilan para magising ako. Natagpuan ko ang aking sarili na naka siksik sa pagitan ng dalawang malaking bato, dito na ako sumilong at inabutan ng pag sikat ng araw.
Mabigat na mabigat ang aking pakiramdam dahil sa taas ng aking lagnat. At isa pa ay mukhang tumigil na rin sa pag hilom ang sugat sa aking braso, kaya ang ending ay naka buka pa rin ito at namamaga. Wala naman akong nagawa kundi ang talian ito ng panyo upang hindi madumihan. Maraming gumugulo sa aking isipan katulad na lamang ng pag kawala ni Oven at wala akong ideya kung paano siya hahanapin sa isang lugar na hindi naman ako pamilyar at dahil nga naka isang gabi na rin ako dito ay tiyak na hinahanap na ako nina mama at papa. Baka nag papanic na sila ngayon. Sinubukan kong gamitin ang aking cellphone ngunit wala itong signal. At sa tingin ko ay ring silbi ang gadget sa lugar na ito dahil natrap ako dito sa dulo ng ewan at hindi ko alam kung paano makakabalik.
Makalipas ang ilang minuto pag mumuni muni ay pinilit ko bumangon at ikalma ang aking katawan. Alam kong mataas ang aking lagnat ngunit tila may lakas pa rin ako para mag lakad iyon nga lang sa kada hakbang na aking ginagawa ay tila mababali ang aking balikat sa matinding sakit.
Tahimik..
Maaliwalas na ang paligid, bagamat mataas ang sikat ng araw ay hindi ito ganoon kainit at mas nangingibabaw pa rin ang lamig na ibinubuga ng hangin. Nasa ganoong pag lalakad ako noong makarinig ng isang ingay mula sa karitong parating sa aking kinalalagyan.
Pinara ko ito..
"Yaaahh!!" ang wika noong taong naka sakay sa kariton at kabayo.
"Hijo, may kailangan ka ba? Mukhang hindi ka yata taga rito?" ang tanong nito
"Hindi nga po. Anong lugar po ba ito sa Pilipinas?" tanong ko naman
"Pilipinas? Ano iyon hijo? Ang lugar na ito ay tinatawag na Kailun, ang lupain na pag aari ni Haring Guztavo. Mukhang malayo ang nilakbay mo." ang puna nito
"Kung hindi ito Pilipinas ay bakit nag kakaunawaan tayo? Bakit nag tatagalog ka at bakit pareho po tayo ng lenguwahe?" ang tanong ko ulit
"Ahh tungkol sa lenguwahe ba hijo. Alam mo ang lugar na ito ay mahiwaga talaga. Ang mga dayuhan ay malayang nakikipag talastasan sa amin gamit ang kanilang salita. Ang hangin dito ay ang nag sasalin ng salita upang mag kaunawaan tayo. Sa ngayon ay ginagamit ko ang aking sariling salita at isinasalin ito ng hangin upang makarating sa iyo sa sarili mo namang wika. At kapag sumagot ka sa akin ay isinasalin rin ito ng hangin sa aking sariling wika." paliwanag ng matandang lalaki
"Ahh naunawaan ko na manong astig! Parang google translate na ang medium ay hangin. Eh anong klaseng teknolohiya ba ang ginagamit sa lugar na ito? Kung aking susumahin ay parang pareho lang naman ang component ng hangin sa mundong ito at sa mundo namin na mayroong 78% nitrogen, 20% oxygen, 0.93% argon at 0.04% ng carbong dioxide. Anong elements pa ba ang mayroon sa hangin ninyo at nakaka salin ng wika sa wika? Nakakamangha talaga." ang tanong ko pa
"Malay ko hijo, hindi ko maunawaan ang sinasabi mo. Saan ka ba mag tutungo?" ang tanong nito.
"Hindi ko po alam. Kailangan ko ng tulong para mailigtas ang kaibigan ko at makabalik na sa amin." ang tugon ko naman
"Nasaan ba ang kaibigan mo? Saka saan ka ba nag mula?"
"Eh mahirap pong paniwalaan, pero tinangay po siya ng higanteng ibon. Tapos ay hindi ko alam kung anong lugar ito basta umakyat kami ng bundok at iyon na, hindi ko na alam." ang sagot ko naman
"Mukhang magulo nga iyan hijo. Pero tungkol sa higanteng ibon na sinasabi mo ay naniwala ako sa iyo. Ang mundong ito ay punong puno ng mga nilalang na mapanganib at talagang pumapatay ng tao. Sa tingin ko ang makatutulong sa iyo ay ang namamalakad sa lupaing ito."
"Saan ko naman po sila matatagpuan?" tanong ko naman
"Doon sa palasyo na iyon. Kinakailangan lang ay makababa tayo dito at makatungo sa bayan. Kung gusto mo ay sumabay kana sa akin" ang wika nito kaya naman sumampa ako sa kariton at dito naupo sa tabi ng mga dayami.
"Salamat po manong" ang wika ko
"Walang ano man hijo. Mag pahinga ka lang diyan at sulyapan ang magandang tanawin mula dito sa itaas." ang wika nito at doon nga ay napatingin ako sa isang magandang bayan sa di kalayuan.
Napaka ganda, naka mamangha at daig pa nito ang isang tourist destination sa aming lugar. Ang mga kabahayan ay luma at parang style ancient china o kulturang budismo ang relihiyon na mahirap ipaliwanag.
Habang nasa ganoong pag pamamasid ako ay naisipan kong kunin ang cellphone at earphone sa aking knapsack. Ikinabit ko ito sa aking tenga upang marelax at kahit papaano ay mawala ang kaba sa aking dibdib.
Pinatugtog ko ang aking paboritong kanta at sinabayan ito habang naka upo sa likod ng kariton.
So lately, been wondering
Who will be there to take my place
When I'm gone, you'll need love
To light the shadows on your face
If a great wave shall fall
It'd fall upon us all
And between the sand and stone
Could you make it on your own?
[Chorus:]
If I could, then I would
I'll go wherever you will go
Way up high or down low
I'll go wherever you will go
And maybe, I'll find out
The way to make it back someday
To watch you, to guide you
Through the darkest of your days
If a great wave shall fall
It'd fall upon us all
Well I hope there's someone out there
Who can bring me back to you
"Hijo, narito na tayo sa bayan. Mag handa kana" ang wika ng matandang lalaking nag sakay sa akin
"Sa-salamat po sa ride manong." ang wika ko naman habang naka ngiti.
"Diretsuhin mo lang iyang kalsada pag lagpas palengke ay matatagpuan mo na ang daan patungo sa palasyo. Mag ingat ka" pahabol pa nito sabay patakbo sa kanyang kariton.
Makalipas ang halos isang oras at kalahati ay narating ko ang kanilang bayan. Para itong isang palengke sa kanila, punong puno mga taong nag titinda ng pag kain, mga gulay, isda, karne. May mga halamang gamot rin at kung ano anong gayumang nakabote at may kasama pang anting anting. Parang ganoon lang din sa mga palengke natin sa ating mundo ang pinag kaiba lang ay mano mano ang pag gawa dito dahil hindi sibilisado. Maayos naman ang mga anyo ng mga tao dito, ganito lang din sa atin iyon nga lang ay talagang umaagaw ako ng eksena dahil kakaiba aking kasuotan.
Palakad lakad ako, walang eksaktong pupuntahan basta ramdam ko ang pag kahilo, ang kirot ng aking balikat at likuran gayon din ang aking sikmura na talagang nagagalit na sa pag gutom.
Lalo lang akong natatakam kapag nakaka kita ng kakainin na mabango ang amoy at mainit init pa katulad ng tinapay na parang siopao ang dating. Basta namalayan ko nalang na kusang lumapit ang aking paa sa aking tindera at nag tanong.
"Ale, mag kano po itong tinapay?"
"Dalawang Kuran iyan. Masarap iyan at mainit pa" ang wika niya samantalang ako naman ay takam na takam na animo asong naglalaway.
Namalayan ko nalang na hawak ko na ang tinapay. Dumukot ako ng mga baryang naiwan sa aking bulsa at mabilis na ibinigay sa tindera.
Lumakad ako ng patahimik noong maiabot ko ang aking bayad. Maya maya narinig kong sumigaw ito "Ano ito???!!" tanong niya
"Pera po iyan!! Dalawang sampung piso!! Mula sa year 2017!!" ang sigaw habang tumatakbo kagat kagat ang isang pirasong mainit na tinapay.
At dahil sa takot na baka may humabol sa akin at naisipan ko isiksik ang aking sarili sa mga tambak na dayami sa isang sulok at dito ay mabilis kong inubos ang pag kain.
Tahimik..
Habang abala ako sa pag nguya ay bigla nalang akong naramdam ng kakaibang lungkot. Dahilan para maiyak nalang ako habang patuloy sa pag nguya. Sumagi sa aking isipan si Oven, ayos lang kaya siya? Buhay pa ba siya? O kung saan ko siya matatagpuan.
Sobrang bigat sa pakiramdam at literal na mabigat talaga ito dahil batid kong palala ng palala ang aking nararamdamang sakit. Tila na nawala ang kakayahan kong pag hilumin ang aking sarili.
Gayon pa man ay wala na akong inaksayang panahon. Agad akong natungo sa kastilyo kung saan maaari akong makahingi ng tulong. May kalayuan ito at talagang napapaligiran ng malalaking bakod kaya batid kong hindi agad ako makakapasok. Pilit akong luminga linga sa aking paligid ngunit wala namang bantay kaya't mabilis akong lumusot sa higanteng rehas at mabilis na nag tatakbo.
Ang nakapag tataka lamang, habang palapit ako ng palapit sa kastilyo ay napapansin kong padilim ng padilim dito. Tila ba nag tatago ang araw sa makapal na ulap kaya mas lalo pang lumalamig sa paligid. "Heto nanaman po, takot na yata ako sa dilim" ang bulong ko sa aking sarili habang nakakaramdam ng pinag halong takot at kaba.
Mabilis akong nag tatakbo sa naturang kastilyo at dahil nga bukas ang bulwagan ay agad akong pumasok dito..
"Tao po?!!" (Tao po??!") nag eecho lamang ang aking boses
"Tao po?!! May tao ba dito?" ang pag tawag ko pa.
Maigi kong pinag masdan ang paligid. Ang loob ng kastilyo ay pinag halong ginto at pula ang kulay. Ang mga ilaw ay magaganda ang pag kakagawa, ang hagdan ay talaga ang lalakihan. Parang ganoon sa palayo ni Beast sa pelikulang beauty and the beast kung saan pumasok ang bidang si Emma Watson sa lumang kastilyo.
Habang nasa ganoong pag uusisa ako ay siya namang pag sulpot ng isang lalaki sa aking harapan. "Sino ka?" ang tanong nito.
"Kanina ka pa ba dyan?" ang tanong ko rin.
Maya maya ay nawala siya sa aking likuran at bigla nalang nalipat sa sofa habang naka upo "Oo, anong ginagawa mo dito sa palasyo ko?" ang tanong niya.
Napag masdan ko ang kanyang mukha, matangkad ito sa tingin ko ay nasa 5'11. Mukhang mag kasing edad lang kami kung tutuusin. Maputi ang kanyang balat na parang hindi nasisikatan ng araw. Ang buhok ay gusot at wala sa ayos ngunit bagay naman sa kanyang anyo. Ang kanyang eyeball ay kulay pula at ganoon rin ang kanyang labi na kasing kulay ng mansanas. Naka suot ng puting long sleeve na itinupi na ang manggas. Bukas ang butones hanggang dibdib kaya't kitang kita pag kaputok nito. Ang pantalon ay itim at gayon din ang kanyang sapatos.
"Tao ba ito? Bakit sobrang gwapo naman yata?" ang bulong ko sa aking sarili na hindi maiwasang humanga.
Nanatiling naka tingin sa akin ang lalaki. Maya maya ay nag bitiw ito ng isang nakaka demonyong ngiti
"Tamang tama ang dating mo, hindi na ako lalabas upang humanap ng makaka kain. Kanina pa nanunuyo ang aking lalamunan, kaya't natutuwa ako na ihahain mo ang iyong sarili sa akin" ang wika niya at maya maya ay nawala siya sa kanyang kinauupuan at biglang sumulpot sa aking harapan.
Hinawakan niya ang aking braso at mabilis na kinagat ang aking leeg.
Itutuloy..