Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 3 AiTenshi Oct 8, 2017 Tila bumalik ako sa ulirat noong mga oras iyon at dito ay parang nag slow motion ang paligid. Naramdaman ko nalang na tumatakbo ang aking paa patungo kay Rael habang patuloy sa pag luha ang aking mata sa hindi malamang kadahilanan.. “RAELLLL!!! HUWAGGG!!!” ang sigaw ko na parang ume-echo sa aking pandinig.. Ngumiti si Egidio sa akin habang hawak niya ang katawan ni Rael at walang ano ano ay sunggaban niya ito kagat sa leeg. Ang katawan ni Rael nangisay na parang isang manok na ginilitan leeg.. Part 97: Ang Lagim ni Egidio Parang suspended animation ang aking paligid, wala akong marinig o makita maliban kay Rael at kay Egidio.. Nasa ganoon pag takbo ako noong biglang inihagis sa akin ng kalaban ang walang