Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 Season 3 AiTenshi Oct 3, 2017 Part 88: Io Makalipas ang ilang araw ay inayos ni Rael ang kanyang sarili. Sa pag kawala ng kanyang ama ay siya naman ang pumalit dito pansamantala bagamat hindi pa niya tuluyang tinatanggap ang pagiging isang hari. Nag pamahagi rin siya ng tulong para sa mga taong bayan na napinsala at sa mga kaanak ng mga kawal na nasawi sa pakikipag laban. Sina Oven at Niko ay naging abala naman sa pag aalaga kay Heneral Santre na noon ay unti unti na ring gumagaling. Hindi lamang ito maka lakad ng maayos dahil sa malalang pinsala sa kanyang hita. "Rael, umaga na." ang bulong ko sa kanya habang naka higa ito sa aking dibdib. Niyakap ko ang kanyang hubad na katawan at hinalikan ito sa noo. Dumilat siya at tumingin sa