Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 Season 3 AiTenshi Sep 27, 2017 Part 80: Ang Misteryosong Lalaki Pag dating namin sa Kailun ay tumambad sa aming paningin ang daan daang taong bayan na naka higa sa harapan ng kastilyo. Nag tayo lamang sila ng silong dito upang mag silbing gamutan para sa mga napinsalang mamamayan sa kaharian ni Santre. Nakatutuwa namang pag masdan na nag tutulungan ang lahat. Ang taong bayan mula sa aming lupain ay nag bibigay ng mga kagamitan at pag kain para sa mga bisita. Nag padala rin sila ng ilang babaylang mang gagamot upang tingnan ang mga biktima. "Maligayang pag babalik po, Prinsipe Rael, Master Enchong, Priest Niko at Mister Oven." ang bati ni Wilson na noon ay sumalubong sa amin. "Kamusta Mr. Wilson. Nasaan si Santre?" ang tanong ko