Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 Season 3 AiTenshi Sep 22, 2017 Part 71: Ang Ikalawang Mundo ni Rouen "Ang isa pang dahilan kung bakit naparito ay nais ko sanang dalhin ang aking apo sa Kailun upang makita niya kanyang lugar na pamumunuan balang araw." ang wika ni Haring Guztavo "Pero papa, ang usapan namin ni Ench ay hindi namin ipapa alam kay Rouen ang kanyang tunay na katauhan. Ayaw naming maging kakaiba ang aming anak sa ibang bata." pasimpleng pag tutol ni Rael "Mga anak, hindi ninyo maitatago kay Rouen ang katotohanan na siya ay isang imortal. Mas makabubuti kung ngayon palang ay sanayin nyo na siya sa anumang kakayahan o katangian ang mayroon siya upang makapg adjust siya sa pag dating ng tamang panahon." ang paliwanag ng hari "Pa, hindi ko kayang pag desisy