Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Sep 13, 2017 Part 62: Sugo Isang malakas na pag yanig ang tumama sa buong palasyo dahilan para masira ang ilang haligi nito. Kasabay nito ang malakas na sigawan at iyakan sa loob dulot ng pinag halong takot at pag aalala. "Saan ka pupunta?" tanong ko Rael noong bigla itong tumayo. "Itutumba ko ang kalaban." ang sagot niya "Bakit ba kayabang mo? Hindi pa nga magaling ang ibang sugat. Pwedeng maupo ka muna dito?!" pag pigil ko ngunit hindi pa ako tapos mag salita ay bigla itong natatakbo patungo sa kinaroroonan ni Kier. "Raelll!!! Bumalik kaaa ditooo!!" sigaw ko ngunit huli na ang lahat. Pinag tulungan ng dalawa si Kier. Halos parehas sila ng mapaminsalang kakayahan. Marahil nag tataka si Rael dahil kung anong lak