Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Sep 15, 2017 Part 65: Ang Mundo ni Kier Bumulagta si Oven sa lupa dahilan para mapasigaw ako. Kasabay noon ang mabilis na pag kuha ko sa aking pana at palaso. Halos nanginginig pa rin ang aking kamay abang inaasinta ang kanyang ulo. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pang hihina ng aking katawan dulot ng pag alis ko ng markang sumpa sa katawan ni Santre. Binitiwan ko ang palaso at sumibat ito patungo kay Kier.. Mintis! Dahil balikat ito tinamaan. Kumuha ulit ako ng palaso at pinakawalan ito.. Mintis pa rin.. "Tama na ang pag sasayang mo nang lakas, wala rin naman itong kwenta. Bakit hindi tayo mag laro ng kaunti?" ang tanong ni Kier na unti unting nag babalik sa pagiging taong anyo. "Laro? Anong ibig mong sabihi