KABANATA 39: SAGLIT kong nakalimutang huminga. Nakatitig lang ako kay Emil habang nangingilid na ang aking mga luha. Nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ako makapaniwala na tatanungin niya ako niyan ngayon. “Mahal… handa akong pakasalan ka kahit anong oras at kahit saan. Tatanggapin mo ba ako? Handa ka din ba na ako ang makasama mo habang buhay?” seryosong sabi ni Emil habang nakaluhod na sa harap ko. Isa ang sigurado ko, gusto kong siya ang maging asawa ko. Mahal na mahal ko si Emil. Puno man ng takot at pangamba ang puso ko. Alam ko pa din sa sarili ko na hindi ako titigil dahil mahal na mahal ko siya. Siya ang naka-una sa akin. Gusto ko na siya na din hanggang sa huli. “Gusto kong makasigurado… na ako ang pakakasalan mo… na sa akin ka babagsak kahit sino pang lalaki ang umaaligid