KABANATA 32: GANADO at inspirado ako gumising sa mga sumunod na araw. Ganado ako noon pero mas dumoble ngayon. Dagdag pa na nakapupuyat pa lang talaga kapag commited ka. Hindi ako nagrereklamo kasi nga gusto ko. My staff, especially Mia, would always tease me that I glow differently. I just shrugged it off. Kanina bago ako umalis sa opisina iyong katulong ko ang panay puri sa akin na blooming daw ako. "Senyorita, wala ka talagang ginagamit na gluta or collagen? Iba talaga ang dating mo. Iyong parang awra mo ang ganda—maganda ka talaga, Senyorita, ha! Ibig ko sabihin mas gumanda ba! Natural na namumula ang mga pisngi mo. Dati naman hindi. Kapag tinitignan kita noon na walang make-up maputla—pero maganda ka talaga, Senyorita!" Napailing na lang ako sa paulit-ulit na sinabi ng pinakabata