KABANATA 53: Nagpatuloy ako sa pakikipagkita ko sa kanya. Mga patagong labas naming dalawa. Lumuluwas pa kami pa-Maynila para lang doon kami malayang makagalaw. Ganoon pa man ay maingat pa din ang aming mga galaw. Madalas na nasa hotel kami ni Geselle. Hindi ko naman madala palagi sa bahay dahil delikado. Kahit na isang tao lang ang makakita sa kanya doon paniguradong iba agad ang iisipin nila sa kanya. Maganda ang reputasyon niya at ng pamilya nila sa buong lalawigan ng Laguna. Kaya naiintindihan ko ang nobya. Ingat na ingat ito na huwag madungisan ang reputasyon nila. Kahit alam ko na sobrang layo niya sa akin, mapapahamak ako o maging siya sa oras na malaman ng pamilya nito ang tungkol sa relasyon naming dalawa ay nagpatuloy kami. Isipin ko pa lang na maghihiwalay kaming dalawa ay a