KABANATA 24: NAMATAY ang tawag ni Emil pagkatapos niyon. Napanguso lang ako ng aminin niya na nahihiya na itong kausapin ako sa video call. Maski ako din naman, hindi ko siya maharap sa cellphone. Para akong baliw na naka-ngiti. Ang kaso, sa laking tao na iyon ni Emil. Parang hindi ako lubos makapaniwala na nakukuha nitong mahiya sa akin? Nagka-chat pa kami ni Emil at inabot kami ng isang oras bago ako tuluyang antukin. Ang bias ko nga talaga. Hindi ako nakaramdam ng pagka-boring habang kausap siya pero kapag iba. Gusto ko na lang babaan ng telepono at matutulog na lang ako. We talked about random things. He asked some stuff like what's the food I want and all. Tipikal na getting to know each other stage. Ang corny nito para sa akin noon pero bakit kinikilig ako ngayon? Hanggang sa iyo