KABANATA 6

2060 Words
KABANATA 6: I decided to leave my office early. Hindi naman kasi puwede na nariyan sila Rita at Phoebe naga-antay sa akin tapos nasa opisina ako. They only have three days' vacay. We have to make the most of it. Kaya naman nagfile din ako ng leave. Bukambibig ni Phoebe si Emil simula pa ng nasa golf cart kami papunta sa mansion. "We have to go back, Geselle! I want to know him more!" tili ni Phoebe at niyuyogyog pa ako. Napapailing na lang si Rita sa aking tabi. "Pwede mag-hello muna kay Senyor? Ito si Phoebe atat!" si Rita na inirapan na si Phoebe. Hindi ako makasagot. Hindi ko gusto ang ideya na babalik kami para lang makipagkwentuhan si Phoebe kay Emil. Pero pinilit ko na lang na ngumiti para hindi siya mag-isip ng iba. "Makikita mo di 'yon. Magpakita ka muna kay Lolo," sabi ko sa kanya. "Alright, is he single?" tanong ni Phoebe sa akin. Hindi pinansin ang huli kong sinabi. "Hindi ko alam," sagot ko dahil iyon ang totoo. Wala din naman akong naririnig sa iba kong staff kung single ba si Emil. Pero palagi siya ang topic ng mga empleyado ko at guest sa Clubhouse. Puro papuri naman ang naririnig ko wala ng iba. "Di bale, itatanong ko sa kanya," sabi ni Phoebe na hindi na nawawala ang ningnig sa kanyang mga mata. "My God, Phoebe! With that looks, obvious naman na mayroon 'yon. Don't expect to much. A man like him? Hindi 'yan nababakante. Malamang gabi-gabi 'yan may pinapa-ungo--" "Hoy! Ang ingay! Nakakahiya kay Kuya! Makarating 'to kay Senyor. Pagagalitan pa tayo..." nahihiyang sabi ni Phoebe. Natawa lang ang driver namin. "Hindi naman, Maam..." sabi nito. Nakikisali na lang ako sa tawanan nila. Pagdating sa mansion ay sa kwarto agad ang tungo namin. I decided to let them stay in my room. Malaki naman ito at kasya kami sa kama. We used to sleep together so this is not new. "Nagbago ka pala ng pintura at design ng kwarto. Ang ganda! Victorian Style. Para akong hihiga sa kama ng prinsesa." Humagikgik si Rita. Umupo agad sa kama habang si Phoebe naman ay inaayos ang maletang dala. Sinenyasan ko ang katulong. "Pakidala ng maleta nila sa closet. Hindi pa ba ayos ang sa'yo, Phoebe?" tanong ko dahil nagkakalkal ito ng damit sa maleta. "Wait! Ayan!" anito at nilabas ang crop top na pa-puff. Kulay red na bulaklakin. Magpapalit pala ng damit. Naka-maong shorts pa man din ito. Sexy at magaling magdala ng damit si Phoebe kaya kahit ano atang ipasuot mo sa kanya. Kayang-kaya niyang ibalandra. Sinara nito ang maleta at biniga sa katulong. "Magpapalit pala ng damit. Saan ba tayo pupunta?" si Rita na naghubad ng sandals at sinuot ang naka-reserved na slippers para sa guest. "Wala. Malay ko kung mamaya babalik tayo sa Club house. At least naka-ready." Humahagikgik nitong sabi. "Nasa library si Lolo. Pinaalam ko na din na nandito kayo. Mga bandang 4pm nasa garden iyon. Doon tayo magmeryenda," sabi ko. "Okay!" si Phoebe at nagpunta na sa banyo para magpalit ng damit. Sinulyapan ko si Rita na abala sa peacebook. "Ikaw? Hindi ka magpapalit?" sabi ko sa kanya habang niyayakap siya sa beywang. Ganito kami. Sweet kaming magka-kaibigan. We treat each other like we're sister. Hindi ko na nga kailangan ng kapatid kasi kung sa babae. Nariyan si Rita at Phoebe. Kung sa lalaki andiyan ang mga pinsan ko. Tinignan niya ako na parang nagsabi ako ng kalokohan. "Sinong pagagandahan ko dito, Geselle? Magalit pa sa akin si Prince. Sabihin ang landi-landi ko." Umismid ito tapos abala na sa pakikipag-chat sa nobyo. Natawa ako sa sinabi niya. "Buti hindi sumama sa'yo," sabi ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Humiga ako sa kama. Para akong hinihila ng kama. Ang sarap matulog. "Gusto nga sumama. Kaso sabi ko, girl bonding ito. Kapag may kipay na siya. Tsaka siya pwede sumama." Humagalpak ito ng tawa. Natawa na din ako at hinampas ko siya ng unan. "Ang bastos ng bibig mo!" Natatawa kong sabi. Lumabas si Phoebe sa banyo. "Baka naman kabagin ka diyan sa suot mo, madam?" tukso ni Rita dahil kitang-kita ang pusod ni Phoebe sa suot niya. "Hayaan mo na. May gamot naman sila Geselle," pakiki-sakay nito sa biro ni Rita. "Dito muna tayo. 30 mins baba tayo, andon na 'yon si Lolo," sabi ko na sinangayunan nila. Nagkwentuhan kami tungkol sa kung ano-ano. Buhay ng mga classmate namin noon nong College. Mga career nila at pamilya. Ang iba kasi nagsipag-asawa na. May nag-abroad. May nagkasakit. Hanggang sa napadpad sa akin ang usapan. "Ano palang nangyari sa inyo ni Ethan? Hindi mo talaga sinagot?" tanong ni Phoebe. Pinagitnaan nila ako ni Rita sa kama. "Hindi. Hindi ko naman gusto 'yon," sabi ko. "Hala! Ang gwapo 'non..." komento ni Rita pero ang mga mata ay nasa cellphone. Ka-chat ang nobyo niya. "Hindi ka magkaka-boyfriend niyan. Bantay sarado ka ng mga pinsan mo pati si Senyor. Dapat ang mapunta sa'yo mga tipong businessman or sa politician. Kapag teacher. Flop 'yan. Sayang si Ethan. Good catch na 'yun para sa amin. Sabihin mo available ako." Humalakhak ito. "Mag-boyfriend ka na nga! Ang ligalig mo pa din!" sita ko. "Magbo-boyfriend ako kapag si Landon na pumansin sa akin! Ang dami kong binigay. Kaunti na lang isasangla ko na mga baboy namin. Hindi pa din niya ako pinapansin. Ang sheket! Little sister lang tingin niya sa akin. Ako hindi. May malisya, Geselle!" Napapailing na sabi nito pero natatawa din naman. Hinampas siya ni Rita ng unan. "Gaga ka! Iba na lang 'wag si Kuya Landon. Kapag nakapasok sa kweba 'yon. Lalayasan ka no'n!" Natatawa ako sa kanilang dalawa. Nasa gitna pa naman ako. Biglang nagliwanag ang bahay dahil sa kanila. Ang tahimik na kwarto ko naging maingay. "At least, may pumasok kaysa sa wala!" si Phoebe na hinampas din ang katabi ko. Napahiga ako ng wala sa oras dahil naghahampasan na sila. "Ang landi mo talaga! Totoo bang virgin ka niyan!" si Rita. Humalakhak ako sa bangayan nila. "Gagi, Virgin ako!" si Phoebe na hinampas na sa braso si Rita. Ganyan naman kami mag-biruan. Nakaka-miss lang na hindi sila nagbabago. Kung sana dito na lang sila sa Laguna. Palagi akong masaya. Bukod sa mga pinsan ko kasama ko pa sila Rita. "Dito na kayo mag-trabaho. Ikaw na ang receptionist," sabi ko kay Phoebe. "Manager, ginawa mong receptionist." Natatawang sabi ni Rita. "Ayoko dito! Ma-miss ko ang clubbing. Susko, anong makikita ko dito mga kabayo--teka! Si Emil!" Nagliwanag ang mukha nito at nanliit ang mga mata na tinignan kami. "Naku, ang ganoong lalaki hindi nagtatagal dito," si Rita. Hindi ako sumagot. Napalingon kami sa pinto ng kumatok ang katulong. "Senyorita, nasa garden na po si Senyor." Tumango ako. Nagsi-alisan kami sa kama. "Phoebe, haharap ka kay Senyor kita pusod mo!" sita ni Rita. "Okay lang 'yan. Sanay na si Lolo sa kanya." Humagikgik ako. Dumiretso kami sa garden. Naroon na si Lolo kasama ang Nurse nito. Umalis din ng makita kami. "Senyoooor!" tili ni Rita. "Hola, Senyor!" si Phoebe at lumapit sila kay Lolo para magmano. Nasa malayo pa nga lang nakangiti na si Lolo. Ngayon ay humahalakhak na ng makita ang mga kaibigan. "Kumusta na kayo? Ngayon niyo lang binisita ang apo ko?" Minuwestra ko sa dalawa ang mga bakanteng upuan. Puno ng meryenda ang lamesa. "Naku, busy po sa trabaho. Buti nga pinayagan kami ng Boss ko. 3 days leave kami, Senyor!" sagot ni Phoebe matapos umupo. Humalik ako kay Lolo bago umupo. "Mabuti! Fiesta sa Calauan. Iniimbita itong si Geselle. Ayaw naman pumunta dahil sa trabaho. Samahan niyo nga. Pinapapunta sa bahay ni Mayor Catindig 'yan." "Hala, Senyor! Di kami invited. Nakakahiya!" si Rita. Lolo groaned. "Hindi. Akong bahala. Sasabihin ko si Ronaldo mamaya na kasama kayo bukas. Hindi naman ako pwede dahil matanda na ako. Ayoko na ng paalis-alis. Sinasama nga iyan na guest sa basketball game nila doon. Alam mo naman. Hindi hilig ng apo ko mga ganyan. Kaya nagdahilan." "Naku! Basketball!" si Phoebe. Nagtawanan kami. Alam na namin. Gusto ni Phoebe dahil may lalaki. "Tara na!" si Phoebe. Humagikgik pa. "Oo nga. Maiba naman. Sa susunod na araw na namin lilibutin ang Hacienda," si Rita. "Ano, Geselle? Tatawag ako kay Ronaldo. Wala namang problema kung ngayon ka magsasabi." Lahat sila nakatingin sa akin. Tumango na lang ako. Sige, para maiba naman at maipasyal ko din ang mga kaibigan ko. Tuwang-tuwa sila sa desisyon ko. Nagkwentuhan kami habang nagmemeryenda. Makikitaan mo na masigla si Lolo dahil sa mga kaibigan ko. Nagpasalamat siya sa mga regalo ng dalawa. Matapos nga ng meryenda. Nagsabi na si Lolo nakakausapin si Mayor Catindig kaya nagpasya kaming umalis. Napilit ako ni Phoebe na bumalik sa Club house. "Wala na nga. Hanggang 5PM lang ang horse riding. Umuwi na 'yon," sabi ko. Hinila niya pa din ako. Wala namang magawa si Rita kundi sumunod. "Subukan lang natin. Malay mo andiyan pa! Kakausapin ko muna," si Phoebe na binitiwan ako. Inayos ang suot na damit at nagpalinga-linga sa arena. "See? Wala nga. Naka-uwi na," sabi ko dahil wala naman na si Emil sa arena. Ibang staff ko lang ang naroon. Ayoko nga magtanong sa mga empleyado ko kung nasaan si Emil. "Ayun! Ayun pa--hala! May last customer pa!" si Phoebe na tinuturo ang sa dulo kung saan may mga puno. Tsaka ko nakita si Emil na hinihila ang kabayo habang naka-angkas doon ang magandang dalaga. Hindi lang iyon. Sexy pa! "Hala! Umii-score si Ate! Hindi pa nga ko nakakapuntos may nauna na!" si Phoebe. Nanliit ang mga mata ko. Nahuli ko na naman siyang nakikipagtawanan. Sinipat ko ang suot na relo. Anong oras na. Tapos na dapat ang activity bakit may in-accomodate pa siya? Huminga ako ng malalim. Naging malinaw sa aking paningin kung sino ang kasama niya. Pamangkin iyon ni Mayor Catindig. Kilala ko dahil nakikita ko na siya sa ilang pagtitipon sa lugar. Sumali din siya bilang Binibining Laguna noon. "Ano? Kakausapin mo pa?" si Rita na tila inaasar si Phoebe. "Oo noh!" si Phoebe na lumayo sa amin para lumapit kita Emil. "Hala, gaga talaga!" si Rita na sumunod sa kaibigan. Huminto lang at bumaling sa akin dahil nanatili ako sa kinatatayuan. Mariin ang titig ko kay Emil lalo na ng tinulungan niya si Amanda na bumaba sa kabayo. Huminga ako ng malalim. Wala akong karapatan na magalit o ano man. Empleyado ko lang siya. Pero bakit ganito. Ang bigat ng pakiramdam ko at naiinis ako. "Huy, Geselle! Samahan mo ko. Hatakin na natin 'to, pauwi. Nakakahiya! Bakit pa ba tayo sumige dito," si Rita na napapakamot sa ulo. Walang imik akong lumapit. Natanaw ko na si Phoebe na nasa harap na nila Emil. Nakikipag-usap. Napatingin sa gawi ko si Emil at halata sa mukha niya ang pagkabigla. Napatingin ako sa kamay ni Amanda na nasa braso pa niya. Umiwas ng tingin si Emil at pa-simpleng inalis ang kamay ni Amanda. Wala namang reaksyon ang dalaga. "Hi! Pwede pa pala mag horse riding?" tanong ni Phoebe na napatingin sa akin. Nanghihingi ata ng back-up dahil ako ang may-ari. Napatingin sa akin si Emil. Alam niya na lagpas na sa oras. Pero kaibigan ko si Phoebe. Hindi naman pwedeng hindi ko pabibigyan. Lalo na si Amanda nga sumakay pa kahit lagpas na sa oras. Bakit? Napalunok ito. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o talagang kinakabahan siya? "Last na si Phoebe," sabi ko kay Emil. "Hi, Geselle!" bati ni Amanda. Nginitian ko lang siya at binati din pero aminado ako. Napa-plastikan ako sa sarili. Hindi ko gusto ang nangyari. Tumikhim si Emil. "Amanda, bukas na lang. Hindi na kita maihahatid. May trabaho pa ako," mahina nitong sabi. Hindi makatingin sa akin. "No worries. I understand. See you tomorrow!" si Amanda sabay sulyap sa akin. "Nice to see you again, Geselle! Mauna na ko," sabi nito at kumaway. Ngumiti ito sa mga kasama ko. Tumango ako sa kanya. "Ingat," sagot ko. Gusto ko atang mabilaukan sa sinabi. Hindi tagos sa puso ko ang sinabi. "Tara?" si Phoebe na hinawakan na sa braso si Emil. Napatingin ako doon. Nahuli ko din ang marahang pagbaklas ni Emil sa kamay ni Phoebe pero wala namang ibang reaksyon ang kaibigan kundi nakangiti pa din. Alam ko na kakausapin ni Phoebe si Emil. Interview kumbaga. Pagbaba niya sa kabayo. Mas marami pa siyang alam kaysa sa akin tungkol sa kay Emil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD