KABANATA 59: BAKAS sa mga mata ko ang labis na pag-iyak. Tinago ko na lang gamit ang make-up. I refuse to open my social media accounts. Alam kong balita tungkol sa kanya ang makikita at mababasa ko. Kahit na masakit ang ulo ay pinili kong gumising ng maaga at naligo. Alas-sais pa lang pero nagiwan na ako ng message sa group chat namin. Nagulat ako na gising na si Phoebe. Si Rita ang tulog pa ata. Phoebe: Kumusta kagabi? Me: Okay lang. It was successful. Phoebe: Nagkausap kayo? Tell me more! Tulog pa si Rita. Late na sa chika! HAHAHHA Me: Yeah, casual lang. I congratulate him. Phoebe: Ba't parang may something. Anong na-feel mo? Okay lang? Wala bang bumalik na feelings? Napanguso ako sa reply ni Phoebe. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba ng totoo 'yon o magpapanggap ako.